Monday, July 30, 2007

hoy,magparamdam naman yung iba jan..hehehe

2 na kami ni ron na GO...ano na??????

Saturday, July 28, 2007

go!

I second the motion!

Friday, July 27, 2007

kumusta na!!!

kumusta na ba buhay buhay natin jan....???

mag-aagosto na ah..wala pa bang balak na inuman ulit??hehe

Sunday, July 22, 2007

ISTORYA NG PUTA

ISTORYA NG PUTA ...

Tingin ng mga
bobong kapitbahay ko puta daw ako.

Nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila ako daw ang

pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar noon.

Ang bango-bango ko daw, sariwa at makinis. Di
ko

nga alam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang

kinabukasan ko.

Halika at makinig ka muna sa kwento ko.

Alam mo, maraming lumapit sa akin, nagkagusto,

naakit. Sikat ka sa lahat, virgin eh! Tinanggap ko

naman silang tao, bakit kaya nila ako ginago?

Masakit alalahanin, iniisip ko na lang na kase di

sila taga rito, siguro talagang ganoon. Tatlong

malilibog na foreigners ang namyesta sa katawan ko,

na-rape daw ako?

Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli

ang di ko makakalimutan. Parang maski di ko
ginusto

ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya.

Tinulungan nya kasi akong makalimutan yung mga

sadistang Hapon at Kastilaloy. Kase, ibang-iba ang

hagod niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing

ginagamit niya ako. Ibang klase siya
mag-sorry,

lalo pa at kinupkop niya ako at ang mga naging anak

ko.

Parating ang dami naming regalo - may chocolates,

yosi, at ano ka. may datung pa! Nakakabaliw siya,

alam kong ginagamit nya lang ako pero pagamit naman

ako nang pagamit. Sa kanya namin natutunan

mag-Ingles, di lang magsulat ha! Magbasa pa!

Hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang problema ko,

siya ang tinatakbuhan ko. 'Yun nga lang , lahat ng

bagay may kapalit. Nung kinasama ko siya, guminhawa

buhay namin. Sosyal na sosyal kami.

Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa

kanya. Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin,

yun pala unti-unti niya akong
pinapatay. P*** ng

I**! Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawan

ko, muntik na akong malaspag. Ang daming nagsabi na

ang tanga tanga ko. Patalsikin ko na daw.
Sa

tulong ng mga anak ko, napalayas ko ang animal pero

ang hirap magsimula.

Masyado na kaming nasanay sa sarap ng buhay na

naranasan namin sa kanya. Lubog na lubog pa kami sa

utang, kulang ata pati kaluluwa namin para ibayad sa

mga inutang namin.

Sinikap naming lahat maging maganda ang buhay

namin. Ayun, mga nasa Japan , Hong Kong , Saudi ang

mga anak ko. Yung iba nag-US, Europe . Yung
iba

ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala naman silbi,

masaya daw sa piling ko, maski amoy usok ako.

Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan

ang kalagayan namin, siya din ang dami ng mga
anak

ko na namamantala sa kabuhayan at kayaman na

itinatabi ko para sa punyetang kinabukasan naming

lahat. Dumating ang panahon na di na kami halos

makaahon sa hirap ng buhay. Napakahirap dahil

nasanay na kami sa ginhawa at sarap.

Ang di ko inaakala ay mismong mga anak ko, ang

tuluyang sisira sa akin. Napakasakit tanggapin na

malinlang. Akala ko ay makakakita ako ng magiging

kasama sa buhay sa mga ahas na ipinakilala ng mga

anak ko. Hindi pala. Ang tanga ko talaga. Binugaw

ako ng sarili kong mga anak kapalit ng kwarta at

pansamantalang

ginhawa na nais nilang matamasa.

Wala na akong nagawa dahil sa sobrang
pagmamahal

ko sa aking mga anak. Wala akong ibang yaman kundi

ganda ko. Pinagamit ko na lang ng pinagamit ang

sarili ko, basta maginhawa lang ang mga anak
ko.

Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko.
May

nanghihinayang, namumuhi at naaawa. Puta na kase

ang isang magandang tulad ko.

Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa

kaso ang laki talaga ng letseng utang ko eh. Palaki

pa ng palaki. Kulang na kulang. Paano na lang ang

mga anak ko naiwan sa aking punyetang puder? Baka

di na ako balikan o bisitahin ng mga nag-abroad kong

mga anak. Hindi na importante kung laspagin man ang

ganda ko, madama ko lang
ang pagmamahal ng mga anak

ko. Malaman nila na gagawin ko ang lahat para sa

kanila.

Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko maganda

pa rin ako. Meron pa din ang bilib sa akin.

Napapag usapan pa din. Sa tuwing nakikita ko ang

mukha ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko.

Tutulo na lang ang mga luha ko ng di ko namamalayan.

Ang gagaling nga ng mga anak ko, namamayagpag kahit

saan sila pumunta. Mahusay sa kahit anong gawin.

Tama man o mali . Proud ako sa kanila. Kaso sila,

kabaligtaran ang nararamdaman para sa akin.

Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may

malasakit sa akin. May
malasakit man, nahihilaw.

Ni di nga ako kinikilalang ina . Halos lahat sila

galit sa isa't isa. Walang gusto magtulungan,

naghihilahan pa. Ang dami ko ng pasakit na
tiniis

pero walang sasakit pa nung sarili kong mga anak ang

nagbugaw sa akin. Kinapital ang laspag na ganda ko.

Masyado silang nasanay sa sarap ng buhay.
Minsan

sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi ko na nga

kilala ang sarili ko.

Dadating na naman ang pasko, sana maalala naman

ako ng mga anak ko. Ilang buwan pa, magbabagong

taon na. Natatakot ako sa taong darating. Ngayon

pa lang usap usapan na ang susunod na pagbubugaw ng

ilan sa mga anak ko. Sana may magtanggol naman sa

akin, ipaglaban naman nila ako. Gusto kong isigaw:

" INA NINYO AKO ! MAHALIN NYO NAMAN AKO !"

Salamat ha, pinakinggan mo ako.

Ay sorry, di ko pala nasabi pangalan ko.

PILIPINAS nga pala pangalan ko&

--

"takot akong mawalan ng karangalan

kaysa kitilan ng buhay"

Monday, July 16, 2007

happy birthday chev

happy birthday pala kay pareng chev...hehehe

mag-post naman kayo..haha

Friday, July 13, 2007

youghp

bago na ang number ni youghp. meron ako. di ko sure kung matutuwa siya kapag pinost ko on cyberspace ang number nya kaya itext nyo na lang ako kung kailangan nyo and i will gladly forward it to you (assuming na may lod ako.)

ok? ok.

Wednesday, July 4, 2007

putek na med to...

shet, 3rd exam na namin. wala pa rin akong tulog. pero kailangang mag-aral. tang-ina pa yang smart bro na yan, pinacancel ko kasi ang hina ng signal kaya mag p-pldt na lang ako. ang hirap ng walang net. sorry sa mga hindi nakasama nung birthday ko kasi biglaan... wala kasi talaga akong free time, kaya kung kailan lang biglang magkakabutas ang sked ko dun lang ako nakapag invite. putek kasi, first week namin may exam na agad, 2nd week may exam ulit at ngayon exam ulit. at hindi lang basta exam.... EXAM! kung sa diliman isang gabi lang ako nag aaral para sa exam, dito at least 3 days... at hindi ko pa natapos ang coverage sa lagay na yun. Pano ba naman ang class namin ay 8am-5pm at 1hr lunch break na kung minsan ay 30 mins na lang dahil late ba mag dismiss. sa buong araw, ang nadiscuss sa amin ay kapareho na ng kalahating sem sa undergrad. puchang buhay to.

ok tama na ang reklamo... hehe detox muna ako. kamusta naman kayo dyan? aids musta ka na? ngayon lang ako nakapagcheck ng blog kaya ngayon ko lang na kita na bago na pala ang number mo. kaya nung tinatawagan kita walang sumasagot. di bale next time...

youghp, hindi na naman kita ma contact. diba kabibigay mo lang sa aking ng bago mong number last month? bkit nagbago ka ba ulit?

ron, sayang... hehe next time na lang... siguraduhin mong present ka ha...

feliz at bren, kung nasaan man kayo, ingat na lang at sana madalaw nyo naman kami kahit minsan, hehe

chev, ralf at kim, ayos ba?! haha next time ulit.

sige mga tol, aral na ulit ko...